Paano pag nagsara ang broker ko, lugi na ba ako?
»Hindi.
Regulated ang participants sa stock market ng Philippine Stock
Exchange, Inc. (PSE). In case magsara ang broker pwede mo makuha ang
stocks certificate mo sa PSE at pwede mo ito ilipat sa ibang broker.
Ano ang advantage ng Stock Market?
»Sa stock market, sure yan na hindi scam, basta sa brokers ka lang na naka-list sa www.pse.com.ph mag-o-open ng account.
»Mas kikita ang pera mo kumpara sa kung pinatulog mo lang ito sa bangko.
»Mas nakakasigurado na lalago ang pera mo at hindi maglalaho kumpara sa mga networking sa tabi-tabi.
Ano ang disadvantage ng Stock Market?
»Volatile - o mabilis mag fluctuate ang presyo ng stocks.
»Kailangan
ng PASENSYA dito dahil pang LONG TERM ito, kaya bawal ito sa mga taong
nagmamadaling kumita. Tandaan ang stock market ay para sa pera mo na
pang "Savings". Wag mo i-invest dito yung pera mo for your "cost of
living".
Paano pag na-dedo ako?
»Yung
stocks mo ay magiging parte ng estate properties mo na pwede manahin ng
asawa mo or ng mga anak mo. Pwede mo rin maging ka-joint account ang
asawa mo sa account mo kung gusto mo.
Kailangan ba tutok ka sa pag mo-monitor ng stocks mo?
»Hindi
naman. Pwede mo i-check ang stocks mo anytime you want. Kahit nga once a
month lang ok lang or kung kelan ka lang bibili ng stocks.
Paano pag may account na ako tapos ayaw ko na mag stock market, pwede ko ba kuhanin yung pera ko?
»Oo
pwede yan. Ibenta mo lang stocks mo tapos fill out ka ng withdrawal
form para ideposit ng COL Financial sa bank account mo yung pera. Pero
hindi ibig sabihin nun ay pwede mo makuha ng buo yung pera mo. Mas
recommended kung hintayin mo muna mag kulay green yung portfolio mo bago
mo ilabas yung pera mo para buo o mas mataas pa yung pera na mailalabas
mo mula sa account mo.
Ano ang kaibahan ng MUTUAL FUNDS at STOCK MARKET?
»Sa
Mutual Fund, may FUND MANAGER na humahawak ng pondo mo. May mga rules
siya na dapat mo sundin at siya ang nagdedesisyon kung saan iinvest ang
pera mo. Siyempre, dahil expert sila at sila nagma-manage sa pagpapalago
ng pera mo, less risk pero mas malaki ang charges. Kung ihahalintulad
sa biyahe, nagko-commute ka lang at nagbabayad sa driver para makarating
sa pupuntahan mo. Kahit ZERO knowledge ka sa stocks/mutual funds, ok
lang dahil may fund manager ka.
»Sa
Stock Market, ikaw ang bahala sa lahat. You make your own rules. Ikaw
bahala sa kung magkano ipopondo mo at kung saan mo ito iinvest. Kung
ihahalintulad sa biyahe, you drive your own car and you plan your own
route para makarating sa pupuntahan mo. Risky ito KUNG HINDI KA PROPERLY
EDUCATED sa stock market kasi baka magpadala ka lang sa takot mo ibenta
mo lahat ang stocks mo pag nagcrash ang market. Pero kung nauunawaan mo
naman ang behavior ng stocks, less risk rin ito. Investor education
plays an important role.
Ano ang mas maganda MUTUAL FUNDS o STOCK MARKET?
»Ikaw lang ang makakasagot niyan kung ano ang mas maganda sa palagay mo.
May seminar ba para dito?
»Meron. pwede kayo magpa-register sa: https://www.colfinancial.com/.../home/investor_education.asp
»Mas
detalyado ang paliwanag sa mga episodes ng Pesos and Sense kumpara sa
2-hour seminar ng COL Financial. Pero maganda rin kung aattend ka ng
seminar sakaling may mga tanong ka pa.
»Pwede rin kayo mag-apply ng account on the spot after the seminar.
Saang stock broker maganda mag-open ng investment account?
»#1
Online Stock Broker ang COL Financial as ranked by PSE. Performance
wise, lamang siya sa ibang online stock brokers like BPI Trade and
others.
No comments:
Post a Comment